Kidlat the Thunderbolt and Rejj the Pretty


magkalaro/magkaaway

halos dalawang buwan na ring may kalaro ako sa bahay. siya ang aking pamankin na si kidlat. sila ay pansamantalang lumipat sa aming bahay sapagkat malapit ang pinagtatrabahuan ng kanyang nanay sa aming bahay. araw-araw lagi kaming magkalaro. inaaway ko siya paminsan-minsan. lahat ng mapagttripan naming gawin ay aming gagawin. lahat ng klase ng laro ay nalaro na namin. siya ay magaling manggaya ng mga tao. halos lahat ng mga salitang sinasabi ko ginagaya nya, kahit yung iba hindi nya mabigkas ng tama. siya din ay magaling na artista, kapag inaaway ko siya napakabilis nyang mag-iyak iyakan upang ako ay maawa sa kanya. siya ay mahirap pakainin. mapili siya sa mga pagkain na gusto niyang kainin. ang gusto lamang niya ay isda at sabaw. ang kanyang umagahan ay hashbrown. at sa buong maghapon minsan yun lang kanyang kinain. mahilig din siya sa yakult. palagi siyang nanunuod ng playhouse disney. sunod-sunod ang kanyang pinanunuod mula sa Mickey Mouse Clubhouse, Special Agent OSO, Jungle Junction, Pororo, Chugging Town at ang kanyang pinakapaborito Timmy Time.

yan ang aking kaisa-isang kalaro/kaaway na bata dito sa aming bahay.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s