ang larong basketball at ang mga kwento sa likond ng tawanan at kalungkutan sa loob at labas ng court


kami ay naglaro ng aming last game kanina sa dumlao gym. CHSM at Don Bosco girls team. ayos lang kahit natalo kami. masaya pa rin naman ang mga pangyayari. may mga naging kaibigan kahit papano. salamat sa libre ate Melissa May Balagtas Alday. salamat sa mga nakasama ko Lexis Camato, Jamie Vernice Lao, Tet Bigot, Hannah Marquez, Cookie Javier, Janella Juane at si Jeic Hernandez. sayang wala ang ating mga muse na si Paula Jane Urbano at Nicole Balderrama. salamat din sa aking dating schoolmate/teammate na si Jonah Crescini. hindi ka pa rin nagbabago. idol pa riin kita sa basketball. salamat sa isang manlalarong sinabihan ako ng tamang gagawin nung ako ay muntik nang matawagan ang three seconds violation. kung ano man pangalan niya. siya yung matangkad na tibo. na nagbabantay sa akin sa mga oras na iyon. salamat din kay coach na bago (kapatid ni miss sally). infairness kahit parang on the spot lang yung pagcoach sa amin. medyo kabisado rin nya ang aming mga galaw. salamat din kay miss sally, sa laging suporta nag ibinibigay niya sa amin kahit waley nang nangyayari sa team namin na matino. salamat po sa aming tokshit (sorry for the term but it’s true) na coach na lagi lang kaming second option. sa kadahilanan ng marami din siyang hawak na teams. okay fine. lagi naman eh. one day marerealize din nya na worth it din kami ng kahit kaunting oras niya. darating ang panahon makakasama namin sya sa tarpaulin ng chsm team at pag dumating na ang araw na yun magiging proud din siya sa aming magulong team. salamat din kay coach shivaker. kahit waley siya atleast naicoach niya kami sa aming last game sa plp. siya hindi tokshit. maayos kausap. salamat din kay lord kasi ginabayan nya ang bawat isa sa amin na makapaglaro ng maganda at masaya. walang manlalarong nasugatan literally, ngunit may ibang nasugatan emotionally, dahil sa mga fouls na hindi man lang napansin ng mga hindi naman kagwapuhan na referees. (peace) meron ding mga taong nasobrahan ng inspirasyon sa mga oras na iyon sapagkat magkausap lang naman sila sa phone bago ang game at pagkatapos. may mga umasang pinaasa lamang ng mga magugulong kausap na tao. ako rin ay nasiraan ng sandals sa aming pag-uwi. buti na lang nasira siya bago pa kami bumaba ng dumlao gym. (hahaha) ako ay nagponytail ng napakataas na katulad ng ipit ng mga babaeng bida sa bratz. (hahaha) may mga nag-unahan upang magsiligo sa mga maliliit na showeran sa banyo. mayroon ding diskriminasyon sa gym na yun sapagkat pagdating ko dun ay una kong hinanap ang banyo ng babae ngunit sa kasamaang palad ito ay sarado. (hay naku).

~ang larong basketball ay hindi lamang umiikot sa mga manlalaro at sa bola. kasama rin ang mga taong sumusuporta sa bawat isa sa aming manlalaro. kasama na rito ang mga coach, referee, timer, announcer, janitor, audience impact, ring, net, sahig na madulas, upuan o bangko, pito at lahat pa ng kasali sa gym. ~salamat sa lahat lahat na nangyari sa araw na ito. sana waley katapusan ang masayang nangyayari sa mga buhay natin. basta magtiwala lamang tayo kay lord. siya lagi ang gumagawa ng paraan upang maenjoy natin ang buhay gaano man ito kahirap at kasaya.

~pasensya sa mga taong naokray ko dito sa aking note, nagsasabi lang po ako ng katotohanan at sana kahit kaunti ay matamaan naman po kayo. kasi hindi na natutuwa si lord sa inyo. sinasayang niyo lang yung opotunidad na ibinibigay niya upang tayo ay magshare ng blessings at kaalaman sa ibang tao.

*pasenya na kung napahaba ng aking note, masyado lang po akong sinipag sa gabing ito sapagkat naging masaya ang aking araw. at hindi ko lang mapigilan magshare kasi ayaw na mastack sa utak ko. sa sobrang dami na ng laman ng utak ko nag-eeror na ako. malapit na ngang malobat eh. sana wag naman muna ngayon. 🙂

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s