isang araw sa asignaturang information technology


ako’y nagising upang pumasok sa eskwelahan. maraming nangyari sa aking paglalakbay sa araw na ito. kahapon huwebes eto ang kwento ko.

maaga ang aking unang klase sa eswelahan ngayon. ang aking asignatura ay i.t. nagkaroon kami ng isang hands-on quiz tungkol sa aming tinalakay na microsoft word. bilang ako ay masyadong mapagmahal sa aking kompyuter, madami na akong alam sa paggamit ng microsof word. ngunit merong mga bagay na hindi sinasadyang hindi ko alam ang tawag. pinagawa kami ng isang wordart, isang clip-art, isang two-column na sanaysay, isang table na may row na tatlo at column na lima, tatlong autoshape at sa kasamaang palad ang text pattern . yun lamang ang mga pinagawa niya ngunit ako ay nahirapan sa text pattern. alam ko lahat ng nakasulat sa taas ngunit and kaisa-isang TEXT PATTERN lamang ang hindi ko alam. ginamit ko ang aking paboritong tula na (mrs. cachapero) para sa aking sanaysay. ginamit ko ang aking username sa wordart. sa clip-art naman ay naglagay ako ng larawan ng isang babae. sa aking table naman ay isinulat ko ang mga pangalan ng aking mga pinsan at pamangkin. para naman sa autoshape ako ay nag guhit ng isang puso at isang smiley. sa aking kawalang ingat, nabura ang isang autoshape na aking naiguhit na kidlat. ako ay natapos na sa paggawa ng aking intput at handa na para sa paglabas ng aking output. ngunit marami kami sa klase kaya hindi lang ako ang gagamit ng printer. madaming nakapagprint bago ako ang sumalang sa harap ng printer. eto na aking tsansa upang magamit ang printer. nagmadali akong iprint ang aking gawa sapagkat marami na namang gagamit nito, pagkatapos ko. hayun natapos na ang lahat, ako ay nagpasa na ng quiz. nakita ng aming guro ang aking papel at ako ay tinawag upang magpaliwanag kung ano ang mga ginawa ko upang matapos ang aming quiz. pinaliwanag ko na ang mga ginamit kong wordart, autoshape, two-column, table, at clip-art. sa kasamaang palad, ang aking nakaligtaan na text pattern at isa pang autoshape. waley akong nasabi kung paano ko yun nagawa. ayun galit ng kaunti sa akin ang aking guro. hanggang sa kami na ay pinaalis na ng aming guro upang kami ay kumain na at para maghanda para sa susunod na klase.

*super late post na ito sinimulan ko itong isulat noong pebrero apat, at pagtapos ng dalawang taon. naipost ko din. 😀

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s