Aking Lola, Napakaganda. :)



naging makabuluhan ang aking araw sapagkat may mga nagawa akong fulfilling. nakausap ko ulit ang aking nanay (lola) na sobrang tagal ko na rin nakakausap. literal na isa o dalawang buwan na ang nakakalipas nang huling makausap ko ang aking nanay ng personal. nagkakausap man kami, sa telepono na lamang. masaya lang yung aking naging karanasan ngayong araw na ito mas masarap pang makinig sa kanya kaysa sa aking propesor sa philippine history. alam mo yun, yung lola ko kahit hindi nakapagtapos ng pag-aaral ay marami siyang alam dahil lamang sa karanasan na pinagdaanan niya sa buhay. marami na din siyang nakasalamuha na tao sa mundo. nandito na siya noong nag giyegiyerahan ang mga amerikano dito sa ating bansa. halos lahat ng mga nangyayari noon ay naalala pa niya, lahat ng iyon ay naikwento pa niya sa akin. masaya na naguguluhan ako sa kanyang kwento ngunit madami pa rin akong natutunan sapagkat kahit hindi ako makinig sa mga nakalipas kong guro ay mayroon na akong kaunting kaalaman tungkol sa mga bagay na iyon. sa halos tatlumpung minuto ng aming pag-uusap parang isang buong araw ang nakalipas dahil sa mga npagkwentuhan naming iba-iba ang mga oras at panahon. iba-iba ang mga taong nasasangkot sa bawat eksena ng kwento ng aking lola. sa bawat kwento niya, palagi kong iniisip na laging magpasalamat kay panginoon kasi binigyan niya ako ng napakaloka-lokang lola na katulad ni nanay. kahit kailan, kahit saan basta matripan namin ni nanay na gawin, gagawin namin. salamat sa isang napakagandang lola ever  a katulad ni nanay. 🙂

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s