FAIR?


BUKAS!

magsisimula na ang pinakaboring na College Fair sa aking pinakakamamahal na eskwelahan. magkakaroon ng iba’t-ibang events sa dalawang araw na selebrasyon na ito.

~ magmamass sa ganap na pito at ika-apat na pung lima ng umaga. maaga ang aming calltime. kailangan nasa eskwelahan na kami ng alas siyete ng umaga. magpapasalamat kami sa panginoon sapagkat binigyan niya kami ng oportunidad upang magkaroon ng isang bonggang selebrasyon sa aming eskwelahan.

~ magkakaroon lang naman ng battle of the bands ng tanghaling tapat sa ganap na ala una hanggang alas tres.

~ susunod doon ang Mr. and Ms. Ambassador and Ambassadress, iyon yung ipinopromote ko dito nung isang araw pa. may mga kandidatang maganda, matalino, gwapo, matangkad, maliit, suplado, maarte. iba-iba sila ng personalidad ngunit iisa lamang ang kanilang pinaglalabanan, ito ang titulo ng Mr. Ambassador and Mrs.  Ambassadress.

~ Magkakaroon din ng Glee Jam, isa ako sa mga kakanta ng live. kasama kong kakanta ang isa sa mga pinakamagagaling na mang-aawit sa glee club si Katrina Sanchez. kami ay mag-duet ng Magbalik na kinanta ng Callalily. Goodluck sa amin, at pati na rin sa mga iba pang kakanta ng live.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s