Isang araw ng paglalakwtsa.


nagpunta kami sa sm north edsa para samahang bumili ang aking pinsan na si paulo ng mga gagamitin niya para sa kanyang nalalapit na prom. meron na siyang coat and tie. kulang na lang ay slacks at sapatos. naghanap kami ng nababagay na slacks para sa kanyang isusuot at ayun nakakita kami sa onesimus ng magandang slacks. medyo mahaba ito kaya pina-alter pa namin ito at binalikan din makalipas ang isang oras. naghanap din kami ng sapatos na gagamitin niya sa prom. inikot namin ang buong department store para lang makahanap ng pinakaperpekto na sapatos na magdadala ng kanyang isususot sa prom. wala kaming nahanap sa department store kaya nag ikot-ikot pa kami sa mga shops na may binebenta na sapatos. naikot na namin ang buong sm pero wala pa rin kaming mahanap na sapatos na gusto ni paulo, hanggang sa nakarating kami sa shop ng wade dito na nakahanap ng pinakaperpekto na sapatos si paulo para sa kanyang isusuot sa prom. nabili na namin lahat ng kailangan ni paulo para sa kanyang prom. syempre sa isang lakwatsahan hindi nawawala ang kainan, kaya kumain kami sa kangaroo jack. meron silang iba’t-ibang potahe na pagpipilian isa na dito ang steak, at iyon na nga ang aming inorder. para sa aming dalawa ni paulo, nag-order kami ng steak ala pobre. para kina ate weng at kuya jay nag-order sila ng steak and egg. para naman kay tita cristy ang kanyang inorder ay fish steak. ang aming inumin ay isang bonggang bongang ice tea na tower lang naman. lahat kami ay sobrang nabusog sa aming kinain. meron pa kaming dessert, lumipat naman kami sa icebergs para kumain ng german u boat banana split, ito ay merong dalawang scoop ng chocolate ice cream at isang scoop ng vanilla, meron din itong dalawang saging, meron din itong apat na stik-o at binuburan ng almonds na maninipis at nuts. isang order lang para sa aming lima, kami ay nasiyahan sa pag-aagawan sa mga rekado ng aming inorder. naging masaya ang aming araw. umuwi kami ng hiwa-hiwalay, sila ate weng at kuya jay papuntang lagro, sila tita cristy at paulo sa tayuman at ako naman sa sanjuan.

onesimus. jan kami nakabili ng slacks.

eto yung ibang binebenta sa onesimus.

may libreng plansta pa ng mga barong na binibili dun.

eto yung tag na nasa mga damit.

gibi.

chancellor.

isa ito sa mga nagustuhan ni paulo kaya lang wala siyang size.

caterpillar.

east rock.

charcoal.

isa ito sa mga nagustuhan kong sapatos oh.

eto na yung napili ni paulo sa wade.

isa pa tong sapatos na to. gusto ko din yan.

eto yung tower na ice tea sa kangaroo jack.

shhhh. eto yung resibo oh. ang mahaal nung service charge.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s