King and Queen of Hearts. <3


may mga bagay na hindi natatanggap ng mga tao sa ating paligid, isang halimbawa nito ay ang hindi pagtanggap ang mga relasyong babae sa babae o lalaki sa lalaki. merong mga dumaan na tao sa aking buhay na ganito ang kwento. hindi naman ako tumututol sa pagmamahalan nila ngunit hindi ko rin naman kinukunsinti lahat ng kanilang ginagawa. may isang kwento na gusto kong ibahagi sa inyo, ito ang kwento ng dalawa sa malapit kong kaibigan na nagmamahalan kahit silang pareho ay babae. una kong nakilala ang isa sa kanila dahil sa isang organisasyong sinalihan ko, noong una akala ko siya ay tunay na babae sapagkat pag kinikilig siya sobrang saya lang niya sa kakatili na parang isang tunay na babae. ngunit nung nakasama ko na siya sa aming organisayon nakilala ko pa siya ng mabuti. nagkamali ako sa aking unang impresyon sa kanya sapagkat ang babaeng ito pala ay may pusong lalaki. ang kanyang galaw ay katulad ng isang lalaki kapag naglalaro kami sa aming organisasyon. palagi kaming nagkakasabay umuwi pagkatapos ng aming pulong sa organisayon, kaya lagi siyang nakakapagkwento tungkol sa buhay niya lalo na ang buhay pag-ibig. minsan nabanggit niya ang isang taong espesyal sa kanya ngunit hindi ko pa siya kilala noon. sinubukan kong kaibiganin ang taong ito upang malaman naman ang kwento ng kanyang buhay at pati na rin ang pag-ibig. meron kaming pulong sa aming organisasyon, hiniram ko ang selpon ng aking kaibigan upang maglaro ng games ngunit sa sobrang pakialamera ko hinanap ko ang numero ng taong espesyal sa aking kaibigan at ayun tineks ko na kung maari ay sumilip lamang siya sa aming pulong sa organisayon. sumagot siya ng who you? sapagkat sarili kong selpon ang ginamit sa pagteks. hindi muna ako nagpakilala sapagkat baka ako ay mabuko agad, ang sabi ko na lamang ay kapag pumunta siya sa aming pulong ay magpapakilala ako ngunit natapos na aming pulong ay hindi siya nakarating. lumipas ang mga araw at nagpakilala na rin ako sa aking bagong kateks at nagtataka siya kung bakit ko pa siya pinagaaksayahan iteks, sabi ko wala lang gusto ko lamang makipagkaibigan, simula noon naging magkaiban na kami at lagi na nga kaming magkateks. paminsan minsan ako yung nagiging tulay ng kanilang pagkikita dahil sa aking pagiging kunsintidor. ang kanilang pagmamahalan sa isa’t-isa ay wagas, maraming tao ang balakid, maraming tao ang hindi tumatangap, maraming tao ang naininira, maraming tao ang nag-uusap tungkol sa kanila ngunit ang lahat ng iyon ay kaya nilang lampasan para lang makasama ang bawat isa. isa sila sa mga naging kaibigan kong naging inspirasyon sa akin sa maraming bagay. marami din silang naituro sa aking aral sa buhay na kakailanganin ko pa pag nagmahal na din ako. tao rin naman sila, may karapatang magmahal at masaktan kaya sa mga taong pumipigil sa kanilang pagmamahalan, MANIGAS KAYO. hinding-hindi na mabubuwag ang kanilang pagmamahalan. kailanman ang taong pilit pinahihiwalay ay gagawa at gagawa pa rin ng paraan upang magkita. nandito pa ako oh ang isa sa mga tulay ng pagkikita nila. wag nating husgahan ang ibang taong nagmamahalan dahil lamang kapareho niya ng kasarian ang minamahal niya sapagkat hindi natin alam ang kanilang nararamdaman nila para sa bawat isa. kayo na ang bahalang humusga sa aking kwento ngunit para sa akin ay mahal ko silang dalawa kahit anong mangyari. susuportahan ko parin ang lab istori nilang dalawa. sana tumagal pa kayo. 😀

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s