DSWD Clearance


noong marso labing lima,

nagpunta ako sa dswd upang kumuha ng clearance dahil kailangan ulit ito para makaalis kami sapagkat ako ay isang minor pa lamang. pumunta ako dun ng mga alas dose emedya, matagal akong nag-antay sapagkat pagdating ko ay kumakain pa lang ang mga nagtratrabaho doon. mga ala una na ulit nagsimula ang kanilang trabaho. malayo pa ang aking pangalan sa listahan kaya ako ay natagalan pa talaga. tinawag na ako para itsek ang aking mga requirements, inisa-isa ng kausap ko ang lahat ng aking dalang requirements, ayos na daw lahat kaya pinaantay ulit ako para tawagin naman para makapasok na sa loob para mainterview ng social worker. tinawag ulit ako, kinausap ako at tinanong ng mga bagay-bagay. pinababalik ako kinabukasan upang makuha ang clearance at pinapadala pa ang id ng aking ama sapagkat ang id lamang ng aking ina ang nandun, pati na rin ang supot ng lbc na pinanglagyan ng padala nila mama na parental consent. ayun bumalik ako kinabukasan para makuha ang clearance, as usual matagal na naman akong nag-antay. nagpunta ako dun ng alas dos emedya at nakuha ang clearance ng mga alas kwatro na.

eto ako. supeeerrr bored kakaantay matawag.

eto yung pintuan.

eto yung requirements ko.

eto yung mga pampatagal, tanong sila ng tanong eh madami pang nag-aantay matawag, nag-iisa pa ang yung nag-tstsek ng requirements.

eto yung mga nauna sakin bago pa ako matawag.

antay lang.

antay din.

mga nag-aantay matawag.

pati sila.

siya yung social worker na madaming kaekekan na nalalaman. andaming tinatanong, pati yung pirma ni papa kwinestyon. err.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s