0

Mahiwagang Kasulatan: Kodigo


napansin mo ba, kapag may quiz, seatwork o exam ay maraming pumapasa? nako pag ganyan malamang may kababalaghan ng nagaganap. e ano pa nga yung kababalaghang tinutukoy ko kung hindi ang mahiwagang kasulatan in short kodigo! sa hindi nakakaalam kung ano ito, aba pinagpala ka tsong anak ka ni cosmos at pamangkin ni medusa wag kang pabalat bunga!

maiba tayo, para sa mga taong hindi talaga alam ang kodigo. ang kodigo ay isang banal na kasulatan para sa mga estudyanteng hindi nakapag review, ayaw mag review, tamad mag review, at higit sa lahat.. yung taong wala sa bukabularyo ang salitang review, bawat isa ay may kanya kanyang paraan kung paano makakaraos sa isang matinding pagsubok: quiz, seatwork, exam.. para sa mga estudyanteng ganyan eto ang mahalaga at pinakaiingat ingatan nila:

PAPEL

kahit na napakaliit na piraso ng papel, aba complete notes! daig pa ang notebook! dito isinusulat ng mga estudyanteng kapit sa patalim ang sagot sa mga enumerations, identifications, fill in the blanks, matching type, formulas o kung ano ano pa na dapat ay kabisaduhin.

PANYO

syempre pwedeng partner ito ng papel. kunyari ay may sipon ka pero ang totoo ay nakatago na pala ang kodigo sa kasulok sulukan ng panyo.

BOOKLET

ang mismong booklet, ginagawang kodigo! yan ang astig, isusulat muna sa lapis lahat ng needed information, sabay.. bura bura bura bura! kung makabura..

UPUAN

ayan ang gawain tamad. ayaw mag effort. ididikit lang ang kodigo sa harap ng upuan. swak! may instant black board ka na.

KATABI

may dalawang type ng katabi

TYPE A:  main source of information kung baga, isipin mo yun, isang kalabit mo lang sa katabi mo, may sagot ka na agad na maisusulat sa booklet mo.

TYPE B: partner-in-crime yung tipong ikaw yung watchout at ang katabi mo ang taga tingin ng kodigo o taga open ng notes

CELLPHONE

yan ang patok! ayaw sa papel! gusto high tech! ang istilong ito ay itinatype ng estudyanteng kapit sa patalim ang sagot sa mga enumerations, identifications, fill in the blanks, matching type, formulas o kung ano ano pa na dapat ay kabisaduhin.

sige tumawa ka lang! may kasama ka naman, nakarelate din! siguro nga, nakakatuwang isipin ang iba’t-ibang paraan ng estudyante para maka survive, pero tingin mo WORTH IT ba? na wala ka namang natutunan pero pumasa ka? hindi ba, mas importante at masarap sa pakiramdam yung alam mong pumasa ka kasi natuto ka.

naiintindihan kong kung minsan e kailangan nating kumapit sa patalim. pero mas maganda na rin yung minsan ay subukan mong kumapit sa sarili mo, sa mga libro at notes mo, sa mga pangarap mo. mas mahirap di ba? pero mas maganda at masarap sa pakiramdam ang resulta. hindi naman masama ang bumagsak. atleast bumagsak ka, you have the reasons to climb uo. at pag nasa tuktok ka na, huwag ka ng bumaba ulit. hindi mo kailangan madaliin ang lahat ng bagay, lalo na ang pag aaral. papayag ka ba na apat na taon mo yang pinag hirapan and yet walang companies ang gustong kumuha sayo at bakit? simple lang tsong, mas pipiliin nila yung taong alam ang ginagawa at hindi yung kunwari lang na may alam. ang entry na ito ay wake up call para sa ating mga estudyante na minsan ng gumamit ng kodigo at sa patuloy pa rin sa pag gamit nito. tsong, sinasabi ko sayo, mas astig kung makakakuha ka ng perpek na iskor na ang tanging sandigan ay ang sarili mo lang at ang iyong utak. tol, libre ang pagbabago, pero pag ikaw ay nahuli ng prof at ibinagsak ka.. aba may bayad na yun, another tuiton. another sem. another sakit ng ulo ng mga magulang mo.

subukan mo sa susunod na exam wag kang mangodigo. at pag nakapasa ka. CONGRATS! at kung hindi BETTER LUCK NEXT TIME. wag nating hayaang pag harian ni taning ang pagkatao natin. wag nating hayaang dahil lamang sa simpleng bagay ay makakagawa tayo ng kasalanan at lalong wag din nating hayaan na maka graduate tayo ng walang alam. sinasabi ko sayo chong.. IKAW DIN ANG MAHIHIRAPAN.

got from gena of multiply. 🙂

Advertisements
0

Scrapbooking


Scrapbooking is a method for preserving a legacy of written history in the form of photographs, printed media, and memorabilia contained in decorated albums, or scrapbooks.

5 tips on creating your Scrapbook

– ORGANIZE. Make sure that your pictures and art materials are all organized so that when you need something, you know where to get it.

– BE CREATIVE. Whatever you put as a design  to your picture, make sure it is creative so that it would be appreciated by others.

– IMAGINE. Widen your imagination on how you will arrange the pictures according to how you like it. Imagine that these pictures will speak for it.

– BE RESOURCEFUL. Every material you use don’t really matter if you buy it, you can find things at home that can be used as designs for your scrapbook.

– PERSONALIZE. This scrapbook reflects you as a person, make it how your personality would be and how it fits you.