NBSB, matureeeeed!!!!


Lovelife? wala pa rin ako niyan hanggang ngayon. Well actually, sumusunod lang sa magulang. Focus daw muna sa pag-aaral, somehow tama rin naman sila.

Hello ako si Rejj, 3rd year College student, nag-aaral ng mabuti dahil yun ang bilin ng nanay at tatay ko. Walang panahong magseryoso sa lovelife kaya pag may dumarating, basted agad. haha. Naalala mo pa ba yung kwento ko dito NBSB, eto na ang sequel niyan kaya ayan ituloy-tuloy mo lang ang pagbabasa mo kung ikaw ay naiintriga kung paano nagmature ng kaunti si Rejj.

unang kwento, ewan ko dun iniwan na lang ako sa ere, pinagpalit kay Lord. haha. Okay lang naman kung tutuusin kasi mukha namang masaya siya sa mga bago niyang kaibigan. Minsan nagpaparamdam pero wala ng spark, siguro kasi hindi talaga siya para sa akin.

pangalawang kwento, ayun pinagpalit din ako kaso ang matindi dun sa mas panget pa sakin. haha. Well lately, madami akong nalaman tungkol sa kwento namin. Akalain mo nga naman, sobrang seryoso pala talaga siya sa akin noon. Mga linyang pangteleserye pa mga binibitawan niya tulad ng “lahat ng ikaw nagustuhan ko” tapos sa sobrang seryoso niya hindi ko maiisip na magpapakalasing siya dahil nabasted ko, kala ko para sa mga nagbbreak lang yun at ilang araw din siyang ganun. Pano naman kasi nung dumating siya sa buhay ko akala ko may isang malaking joke sa harapan ko kaya walang pagseseryoso ang naganap. Kaya hindi ko namalayang nasaktan ko na pala siya. Pero atleast, ngayon nakapag-usap na kami at nagkaroon ng closure sa isa’t-isa at nalinaw ang mga dapat malinaw. After all, magkaibigan pa rin kami at wala ng ilangan portion. Yey.

Pagmamahal, yan ang unti-unti kong natutunan habang may mga taong dumadaan sa buhay ko para iparamdam ito sa akin. Sa mga taong nakakasalamuha ko sa araw-araw, marami akong napupulot na aral mula sa sarili nilang buhay pag-ibig.

May mga taong sadyang hindi nabibigyan ng importansya sa simula sapagkat tayo ay hindi pa handa na tumanggap ng isang seryosong relasyon, ngunit habang tumatagal ay matututunan mo rin itong bigyan ng pagkakataon na patunayan ang kanyang sarili ika nga,

ANG PAGKAGUSTO SA ISANG TAO AY HINDI PINIPILIT NGUNIT ITO AY HINIHINTAY MATUTUNAN.

 signature

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s